Pinuri ni Senator Loren Legarda ang Batangas State University, The National Engineering University matapos masungkit ng Team Scarlet-Verdant BSU ang World Championship sa World Robot Olympiad 2025 sa Singapore.
Nakuha ng team ang 1st Place sa RoboSports—Double Tennis, kung saan tinalo ang 56 international teams sa iba’t ibang panig ng mundo.
Ang nanalong grupo ay sina Joseph Bernard Maala, freshman sa Mechatronics Engineering, kasama sina Light Gabriel Bandayrel at Norjeehan Nasser, parehong Grade 11 ng BatStateU Integrated School.
Umangat sila sa kompetisyon dahil sa kanilang fully autonomous robots na may napakataas na algorithmic precision, bilis tumugon, at malinaw na coordination.
Pinuri ni Legarda ang husay ng mga estudyante at ang mentorship ng kanilang coaches na sina Luis Philip Oropesa, Eugene Mendoza, at Jomari Montalbo.
Ayon sa senadora, tagumpay ito hindi lang ng unibersidad kundi ng buong bansa, patunay ng lumalakas na talento ng kabataang Pilipino sa robotics at STEM.
Dagdag pa niya, pinapatunayan nitong natutupad ng BatStateU ang mandato nito bilang National Engineering University ng Pilipinas. Nag-uwi rin ng iba pang mataas na parangal ang BatStateU teams sa Future Engineers, Future Innovators, RoboSports, at RoboMission. | BChannel news






