Arestado ang isang 25-anyos na lalaki matapos ang habulan at makipagbarilan laban sa mga pulis sa Barangay Lodlod kaninang madaling-araw November 19, matapos umano nitong looban ang bahay ng isang guro sa Sitio Sta. Cruz, Purok 1, Barangay Pangao, Lipa City, Batangas.
Ayon sa imbestigasyon ng Lipa City Police, pasado 12:30 AM nang magising ang 35-anyos na babaeng guro dahil sa ingay sa loob ng kanyang bahay. Naabutan niyang naglilibot ang suspek kaya agad siyang humingi ng tulong. Tumalon palabas ng bintana ang suspek at iniwan ang isang smart watch na nagkakahalaga ng ₱15,000.
Agad rumesponde sina PSSg Joseph Co at PCpl Glenn Aguilera ng Lipa Component City Police at nasundan ang direksiyon ng takbo ng suspek. Naabutan nila ito sa Barangay Lodlod ngunit nang pinahinto, nagpaputok umano ito, dahilan para gumanti ng putok ang mga pulis. Tinamaan ito sa mga binti at agad dinala sa Ospital ng Lipa.
Recovered from the suspect were a .38 revolver, two sachets of suspected dried marijuana, and an phone belonging to another victim—a 39-year-old businesswoman from Barangay Pangao.
Inihahanda na ng Lipa City Police ang kasong isasampa laban sa suspek. Pinuri naman ni PLTCOL Aleli Cuyan Buaquen ang mabilis na aksiyon ng kanyang mga tauhan at tiniyak ang patuloy na pagtupad sa seguridad at kaligtasan ng komunidad. | BChannel news





