Cong. Leandro Leviste, hawak ang listahan ng DPWH Project Proponents

Inihayag ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na hawak niya ang listahan ng mga proponent ng DPWH infrastructure projects, ngunit hihintayin muna ang opisyal na desisyon ng ahensya bago ito isapubliko.

Ayon kay Leviste, ibinigay sa kanya ang dokumento noong Setyembre 4 ng yumaong dating DPWH Undersecretary Maria Catalina Cabral, alinsunod sa utos ni Secretary Vince Dizon.

Pinili ng kongresista na hindi agad ilabas ang listahan dahil may mga nakapaloob dito mula sa ehekutibo, pribadong sektor, at iba pang mambabatas.

Sinabi rin niyang prayoridad ang kaligtasan ng mga may hawak ng dokumento at ang maayos na pagpreserba nito.

Naipakita na rin umano niya ang mga file sa Independent Commission for Infrastructure at Ombudsman para sa kanilang imbestigasyon. Matatandaang noong Nobyembre, ginamit ni Leviste ang mga dokumentong ito sa akusasyon laban kay CWS party-list Rep. Edwin Gardiola tungkol sa umano’y “pre-ordering” ng P22 bilyong proyekto.

Related posts