Convenience Store, hinoldap ng 4 na lalaki sa Sto. Tomas, Batangas

Hinoldap ng apat na suspek ang isang convenience store sa Barangay Poblacion 4, Sto. Tomas City, Batangas pasado 2:20 kaninang madaling araw, December 3, 2025.

Nai-report ito sa pulisya bandang 3:15 AM sa pamamagitan ng tawag mula kay Brgy. Tanod Ronnie Causin Dugayo.

Ayon sa Sto. Tomas City Police Station, lumalabas na apat na hindi pa nakikilalang lalaki ang pumasok sa tindahan. Nakasuot sila ng itim na hoody jacket, face mask, at ilan ay may long-sleeve JoyRide uniform, habang naka-tsinelas.

Habang nasa loob, agad umanong nagdeklara ng hold-up ang isa sa mga suspek sabay tutok ng baril sa mga tauhan ng tindahan. Sapilitang kinuha ng grupo ang P21,000 cash na nasa cashier at dalawang cellphone ng mga empleyado. Matapos nito, mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi matukoy na direksyon.

Habang isinusulat ito ng Balisong Channel news, patuloy pang tinutukoy ng mga imbestigador ang pagkakakilanlan ng apat na salarin sa pamamagitan ng CCTV at iba pang ebidensiya. | BChannel news

Related posts