Ribbons and Rhythm 2025, paparating na sa SM City Batangas sa December 5

Damhin ang diwa ng Pasko sa SM City Batangas sa December 5 para sa Ribbons and Rhythm 2025, isang grand Christmas musical play na magdadala ng makulay na sayaw at performances para sa mga bata at buong pamilya.

Magsisimula ang palabas sa ganap na 2PM at 5PM sa naturang mall.

Hindi lang sa Batangas mapapanood ang palabas. Dadalhin rin ito sa iba pang SM malls sa South Luzon kabilang na sa SM City Lemery sa December 6, habang isasagawa naman ang Grand Magical Christmas parade 2025 sa SM City Sto. Tomas sa December 7, at SM City Lipa sa December 13 at sa iba pang branches ng mall.

Tinitiyak ng pamunuan ng SM malls na masisiyahan ang mga bata at buong pamilya sa paboritong Yuletide characters, kasama na ang Prinsesa at Prinsipe ng sayawan at ang mag-asawang Santa.

Hatid ng Ribbons and Rhythm ang saya at diwa ng Pasko sa bawat mall, perfect para sa family bonding at paglikha ng holiday memories na tatatak sa puso ng bawat isa. | BChannel News

Related posts