Isang lalaki ang nasawi sa pamamaril na naganap bandang alas-9, Enero a-7, sa Sitio Centro, Barangay Aga, Nasugbu, Batangas.
Batay sa paunang imbestigasyon ng Nasugbu Police Station, nakaupo lamang ang biktima na si “Benson” sa loob ng kanyang nakaparadang kotse sa tapat ng kanilang bahay nang bigla siyang barilin ng hindi pa nakikilalang suspek.
Tinamaan ang biktima sa kanang pisngi bago mabilis na tumakas ang salarin bitbit ang ginamit na baril at hindi na napansin ang tinahak na direksyon.
Agad isinugod ang biktima sa Apacible Memorial District Hospital ngunit idineklara itong dead on arrival. Napag-alamang isang tama ng bala sa kanang pisngi ang tinamo ng biktima.
Walang narekober na basyo o slug ng bala sa pinangyarihan ng krimen.
Nagsagawa na ng SOCO intervention ang pulisya at patuloy ang backtracking at forward tracking ng mga CCTV sa lugar upang matukoy at maaresto ang suspek. Patuloy ang imbestigasyon ng Nasugbu Police. via BChannel news






