
Pinasinayaan na ang pailaw sa Metropolitan Cathedral of San Sebastian sa Lipa City Batangas noong Linggo, November 30, 2025, sa tulong ng One Meralco Foundation bilang hudyat ng pagsisimula ng kapaskuhan sa lalawigan ng Batangas.
Bahagi ng nasabing programa ang pamamahagi ng solar street lamps sa 68-simabahan sa buong Batangas upang magbigay-liwanag sa patio ng bawat simbahan.

Ayon kay Meralco Chief External and Government Affairs Officer Atty. Arnel Casanova, layunin ng inisyatiba na “mapalapit ang mga tao sa simbahan at mapagtibay pa ang kanilang pananalig” sa pamamagitan ng pagbibigay-liwanag sa mga patio ng simbahan. Sa pangunguna ng One Meralco Foundation, target nilang ipamahagi ang lahat ng street lamps bago magsimula ang Misa de Gallo o Simbang Gabi.

Bukod pa rito, mamimigay din ang foundation ng 6,800 Noche Buena Packs para sa mga kapus-palad na pamilyang Pilipino sa bawat parokya ng lalawigan.

Samantala, binigyang-diin naman ni Lipa Archbishop Gilbert Garcera ang mas malalim na simbolismo ng mga pailaw, na aniya ay isang paalala ng pag-asa, pagmamahal, at liwanang ni Kristo para sa lahat. Nagpaabot din siya ng taos-puso ring nagpasalamat sa One Meralco Foundation para sa kanilang proyekto at suporta sa mga simbahan sa Batangas.

Ang Lighting Ceremony ay pinangunahan ni Meralco Chief Corporate Social Resposibility Officer and One Meralco Foundation President Jeffrey Tarayao; Meralco Chief External and Government Affairs Officer Atty. Arnel Casanova; at Meralco Chief Operating Officer and One Meralco Foundation Trustee Ronnie Aperocho; kasama si Lipa City Mayor Eric Africa, Most. Rev. Gilbert Garcera, D.D., at Msgr. Ruben M. Dimaculang. | BChannel NEWS (DR)






