Nagdulot ng abala at kalituhan ang kumalat na pekeng larawan o gawa ng AI ng diumano’y nasusunog na trailer truck sa Barangay 20, Parola sa Tondo, Manila.
Agad rumesponde ang apat na fire trucks kabilang ang mula sa Bureau of Fire Protection.
Pero laking gulat ng mga bumbero at volunteers nang datnan nila ang truck na nakaparada lang at walang sunog.
Ayon sa BFP, delikado ang ganitong panloloko lalo na’t puwedeng mauwi sa aksidente habang rumeresponde ang mga bumbero.
Paalala ng otoridad, may kaparusahan sa ilalim ng batas ang pagpapakalat ng maling fire alarm na maaaring umabot sa multang P50,000. | BChannel news





